^

Bansa

Pagpapalaya sa 24 Pinoy sisikapin ng gobyerno

-
Nangako ang Malacanang na gagawin nito ang lahat para sa ligtas na pagpapalaya sa 24 na Filipino workers na binihag ng mga Nigerian militants.

Sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ipinabatid sa kanila na hindi 6 kundi 24 ang Pinoy na dinukot ng mga militanteng Nigerians habang lulan ang mga ito ng German Baco III Liner.

Ayon kay Sec. Bunye, nakikipag-negosasyon na ang mga awtoridad ng Nigeria sa mga armadong grupong dumukot sa mga Pinoy para mapalaya na ang mga ito.

Sinabi ni Bunye, hindi dapat mangamba ang mga pamilya ng mga bihag na Pinoy dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat para sa ligtas na paglaya ng mga ito.

Naniniwala ang Palasyo na makukumbinsi ng Nigerian authorities ang mga kidnappers para palayain ang mga Pinoy na bihag ng mga ito.

Inihayag din ni Bunye na patuloy pa rin ang pag-iral ng ban sa pagpapadala ng mga OFW’s sa Nigeria habang hindi pa natitiyak ang kaligtasan ng ating mga manggagawa sa naturang bansa. (LTolentino)

vuukle comment

AYON

BUNYE

GERMAN BACO

INIHAYAG

MALACANANG

PINOY

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with