^

Bansa

100 libro sa public schools puro ‘error’

-
Ibinunyag kahapon ng isang educator sa isinagawang pagdinig ng Senado sa textbook scam na mahigit 100 libro na ginagamit sa mga pampublikong paaralan ang mayroong mga error.

Sinabi ni Antonio Go, academic supervisor ng Marian school, sa pagdalo nito sa pagdinig ng senate sub-committee on textbook na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson na nadiskubre niyang mahigit sa 100 librong gamit sa public school ang mayroong mga error.

Isinumite ni Go sa komite ni Lacson ang 2 libro na mayroong error sa impormasyon tulad ng Kasaysayan ng Pilipino sa grade 5 na nilimbag ng Watana Phanit at Asya, Noon, Ngayon at sa Hinaharap sa grade 2 na inimprinta naman ng SD publications.

Inaasahan na rin ni Go ang panibagong demanda na posibleng isampa sa kanya ng mga publications na ibinunyag niyang mayroong mga error ang nilimbag na mga libro.

Nangako naman si Go na handa siyang makipagtulungan sa Department of Education at mga publisher ng textbooks upang mabago ang sistema para hindi na maulit ang mga ganitong pagkakamali sa impormasyon na pag-aaralan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan. (Rudy Andal with trainees Kathleen Elipse and Merdelle Sarria)

ANTONIO GO

ASYA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HINAHARAP

IBINUNYAG

KATHLEEN ELIPSE AND MERDELLE SARRIA

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

WATANA PHANIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with