Dahil dito ay napilitang magsilikas sa kanilang mga tahanan ang nasa 300 katao kabilang ang mga matatanda, kababaihan at mga bata na ngayoy kinakanlong sa mga evacuation centers.
Ang pangha-harass ng mga bandido ay upang ipaghiganti umano ang pagkamatay nina Khadaffy Janjalani at Abu Solaiman at ang paghinto ng mga residente sa lugar na magbayad ng revolutionary tax sa mga bandido.
Nabatid na mula P12,000 ay itinaas ng Abu sa P30,000 kada buwan sa taong ito ang revolutionary tax. Bago ang tax increase ay nagbibigay umano ng P12,000 ang mga residente sa lugar bilang protection money sa grupo ng mga bandido.
Subalit napuno na umano ang mga residente sa mataas na bayarin kaya huminto ang mga ito sa pagbabayad bunga na rin ng hirap ng buhay.
Sinabi naman ng bagong talagang si Anti-Terrorism Task Force Zamboanga Col. Alfredo Peralta, naghihinala silang ang mga tagasunod ng yumaong si Abu Sayyaf bomber Amihandsa Ajijul alyas Alex Alvarez ang nasa likod ng nasabing pangha-harass dahil ang Brgy. Curuan ang lugar kung saan dating nakabase ang kanilang grupo sa loob ng mahabang panahon.
Magugunita na si Ajijul, lider ng Sayyaf bomb squad ay napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa militar noong 2005 sa baybayin ng Zamboanga City.
Sa tala ng AFP, ang grupo ni Ajijul ang responsable sa serye ng pambobomba sa lungsod na ikinasawi ng dosenang mga biktima kabilang ang isang sundalong Kano habang may 200 ang nasugatan noong 2002.
Nagdeploy na ng tropa ang Anti-Terrorism Task Force upang tugisin ang grupo ng mga bandido na responsable sa insidente. (Joy Cantos)