Gov. Sanchez humirit din ng TRO
January 18, 2007 | 12:00am
Dumiretso na sa Court of Appeals (CA) ang kampo ni Batangas Governor Armand Sanchez para humingi ng temporary restraining order (TRO) na naglalayong ipawalang bisa ang preventive suspension na ipinataw laban sa kanya.
Sa kanyang petition for certiorari and prohibition, sinabi ni Sanchez na maanomalya ang ipinataw sa kanyang suspension ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil noon pang Sept. 26, 2006 inilabas ang resolution hinggil dito ngunit ipinatupad lamang ito sa bisperas ng election period.
Sinabi ni Sanchez na labag umano sa ban on suspension ang pagkakasuspinde sa kanya dahil hindi naman kasong criminal ang kanyang kinakaharap kundi administratibo lamang.
Iginiit pa ni Sanchez na wala umanong karapatan ang Ombudsman na magpataw ng anumang suspension dahil hindi ito matatagpuan sa mga probisyon ng Ombudsman Act 1989.
Nakiusap naman ang kampo ni Sanchez sa DILG na pagbigyan silang manatili sa loob ng kapitolyo hanggang Biyernes ng hapon para sa hinihintay na TRO galing sa CA. Ayon kay Sanchez, mapayapa nilang lilisanin ang kapitolyo sa Biyernes ng hapon kapag hindi sila nakakuha ng TRO.
Nauna nang nagbigay ng 48-hours deadline ang DILG sa lahat ng nasuspindi at nadismis na government officials para lisanin ang mga kapitolyo at mga munisipyo.
Sa ibinigay na deadline, dapat umanong lisanin ni Sanchez ang kapitolyo ngayong araw na ito ng hapon matapos mag-expire ang binigay na palugit ng DILG. (Grace Amargo-dela Cruz/Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended