Revilla at Remulla nagsanib puwersa sa Cavite
January 17, 2007 | 12:00am
Nagsanib puwersa na ang angkan ng Revilla sa pangunguna ni Sen. Ramon Revilla Jr. at Remulla clan sa pangunguna ni dating Cavite Gov. Johnny Remulla matapos magkaroon ng alyansa ang kanilang mga partido pulitikal na Lakas, Kampi at Magdalo kaugnay sa nalalapit na May elections.
Kahapon ay nanumpa na rin ang maybahay ni Sen. Revilla na si Lani Mercado bilang KAMPI provincial chairman sa Cavite kina Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na national chairman ng KAMPI at kay DILG Sec. Ronaldo Puno, isang KAMPI stalwart.
Kasamang nanumpa ni Ms. Mercado ang mga miyembro ng Magdalo party na sina Mayor Bernardo Paredes (Cavite City), Mayor Filomeno Maligaya (Magallanes), Mayor Manuel Romera (Mendez), Mayor Lope Tepora (Indang), Mayor Efren Nazareno (Naic) at Mayor Conrado Lino (Ternate).
Nanumpa na rin sa KAMPI ang mga miyembro ng Lakas na sina Mayor Dahlia Loyola (Carmona), Mayor Walter Echevarria (Gen. Mariano Alvarez), Mayor Clarito Poblete (Silang), Mayor Melencio de Sagun (Trece Martirez City), Mayor Abraham Tolentino (Tagaytay City), Mayor Jose Penano (Alfonso) at Mayor Monte Andaman (Maragondon).
Maging si PCSO director Strike Revilla na kakandidatong alkalde sa Bacoor ay nanumpa na rin sa KAMPI.
Nilinaw din ni Sen. Revilla na ang pagtatalaga sa kanyang maybahay bilang KAMPI pronvincial chair ay hindi nangangahulugan na tatakbo na ito sa eleksyon dahil walang balak ang kanyang misis na pumasok muli sa pulitika.
Lumilitaw na iilang alkalde na lamang ang nananatiling sumusuporta kay Cavite Gov. Ireneo "Ayong" Maliksi matapos manumpa ang mga miyembro ng Lakas at Magdalo sa KAMPI. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest