^

Bansa

Perez, ‘pinapakanta’ ang mga kasabwat

-
Hinihikayat kahapon ng ilang mambabatas si dating Justice Secretary Hernando Perez na ‘ikanta’ kung sinu-sino ang mga nakinabang sa kontrobersiyal na $470-million power plant deal na nilagdaan sa pagitan ng pamahalaan at Argentine firm IMPSA (Industrias Metallurgicas Perscarmona, SA).

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teodoro Casino, hindi kapani-paniwalang walang ibang nakinabang sa IMPSA deal.

Sinabi pa ni Casino na hindi dapat pumayag si Perez na maging ‘fall guy’ sa nasabing transaksiyon na siyang nadidiin ngayon dahil sa reklamong isinampa ni dating Manila Rep. Mark Jimenez.

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Joel Virador, mas makakakuha ng simpatiya mula sa taumbayan si Perez kung ibubulgar nito at isusumbong ang mga nakinabang sa kontrata.

Duda rin si Rep. Joel Villanueva sa ‘timing’ nang pagsasampa ng kaso kay Perez dahil sa nalalapit na eleksiyon.

Posible aniyang nais ng gobyernong Arroyo na pagandahin ang imahe sa publiko at ipakita na lumalaban sa korupsiyon kaya isinasakripisyo si Perez.

Nauna rito, nilinaw ng Ombudman na walang kinalaman ang IMPSA deal sa kasong graft, extortion at falsification of public documents na isasampa laban kay Perez dahil ang kaso ay may kaugnayan sa pangongotong umano ng dating kalihim kay Jimenez upang hindi ito isama bilang akusado sa kasong plunder na kinakasangkutan ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang $470-million IMPSA deal ay ang rehabilitasyon ng 750-megawatt Calirya-Botocan-Calayaan power complex sa Laguna na na-finalized noong Estrada administration, pero nahinto nang mapatalsik ang dating pangulo. Natuloy ang kontrata sa ilalim ng gobyernong Arroyo. (Malou Escudero)

AYON

BAYAN MUNA REP

INDUSTRIAS METALLURGICAS PERSCARMONA

JOEL VILLANUEVA

JOEL VIRADOR

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

MARK JIMENEZ

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with