Pag-atras ni Lacson, ikinatuwa ng mayoralty bets sa Maynila
January 4, 2007 | 12:00am
Ikinatuwa ng mga mayoralty bets sa Maynila ang naging pasya ni Senador Panfilo Lacson na iurong ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa lungsod.
Ayon kay Manila Vice-Mayor Danilo Lacuna, pabor sa kanilang mga kandidato ang pag-atras ni Lacson na may malaking posibilidad na madiskuwalipika lamang kapag pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Election (Comelec).
"Kilala kasi si Senador Lacson na anak ng Cavite at masisilip lamang ng Comelec ang kanyang intensyon nang paglipat ng residency, kaya masasayang lamang ang kanyang pagtakbo sa Maynila, kung madidiskuwalipika rin lang", dagdag pa ni Lacuna.
Sa ginawang pag-atras ni Lacson, ayon kay Lacuna, makakatiyak na makukuha ng senador ang suporta ng Manileno sa pagtakbo nito sa Senado.
Sa isang survey na isinagawa ng isang grupo ng mga sosyolohista at health workers, nangunguna si Lacuna sa mga mayoralty bets sa Maynila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended