^

Bansa

Erap, sa sariling bahay sa San Juan nag-New Year

-
Dahil sa nasirang linya ng kuryente sa bahay ni Doña Mary sa Kennedy St., San Juan, nagdesisyon kahapon si Sandiganbayan Chief Sheriff Edgardo Urieta at pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na idiretso si dating Pangulong Joseph Estrada sa sariling bahay nito sa #1 Polk St., Greenhils, San Juan mula sa kanyang detensiyon sa Tanay, Rizal.

Sinabi ni Urieta na nagkaroon ng delay sa pagbibiyahe ni Estrada dahil pinag-usapan pa kung saan dadalhin ang dating pangulo matapos ipabatid sa kanila na inilipat na si Doña Mary sa Polk St. dakong ala-una ng madaling araw kamakalawa.

Ayon kay Urieta, ipapaalam na lamang nila sa Sandiganbayan ang biglaang pagbabago sa lugar na pinagdalhan kay Estrada sa pamamagitan ng isang report. Paputok ang itinuturong dahilan ng problema kaya nawalan ng kuryente sa bahay ni Doña Mary.

Matatandaan pinagbigyan ang hiling ni Estrada na makapiling ang ina sa New Year.Walong oras lamang ang ibinigay na "temporary pass" ng korte o mula 8am hanggang 5pm. (Malou Escudero)

AYON

KENNEDY ST.

MALOU ESCUDERO

NEW YEAR

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLK ST.

SAN JUAN

SANDIGANBAYAN CHIEF SHERIFF EDGARDO URIETA

URIETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with