Panibagong PI sa basurahan pupulutin Nene
December 26, 2006 | 12:00am
Malaki ang paniniwala ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., na hindi magtatagumpay ang panibagong isinusulong na Peoples Initiative (PI) ng mga kaalyado ni Pang. Arroyo.
Ayon kay Sen. Pimentel, sa basurahan pupulutin ang petition ng grupong pinangungunahan ng mga dati rin na nangalap ng pirma para ma-amyendahan ang Saligang Batas ng ating bansa.
Nauna rito, inihayag ng Pangulo na muli nilang ikakasa ang Charter change ilang araw matapos na magsagawa ng malawakang pasasalamat ang grupong simbahan makaraan na iabandona ng Kamara sa ilalim ni House Speaker Jose de Venecia ang pag-amyenda ng saligang-batas.
Dinagdag ni Pimentel na kapos na sa oras para mangalap ng mga pirma rito maliban na lang kung ang dating mga nakalagda ang isusumite nito sa korte para isulong ang PI.
Pinayuhan din ng senador ang grupo na ituon na lang ang pansin sa papalapit na halalan at ng sa ganoon ay makakuha naman sila ng boto.
Katulad ng mayorya ng Senado, naniniwala si Sen. Pimentel na pwedeng isulong ang saligang batas pagkatapos ng May 2007 elections. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest