Kill plot vs Nograles sisiyasatin ng NBI

Tumulak na patungong Davao City ang team ng National Bureau of Investigation (NBI) para magsiyasat sa umano’y assassination plot laban kay House Majority Leader Prospero Nograles.

Kinumpirma kahapon ni NBI Director Atty. Nestor Mantaring na pamumunuan ni Deputy Director Atty. Reynaldo Esmeralda ang grupong naatasan sa paghawak ng imbestigasyon.

Tutulong ang grupo ni Esmeralda sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO) at makikipag-ugnayan din sa Davao-PNP na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Kamakailan ay napaulat ang planong ipapa-ambush ang mambabatas sa oras na magtungo sa isang lokal na hotel sa susunod na Linggo kung saan naimbitahan ito bilang guest speaker. (Ludy Bermudo)

Show comments