^

Bansa

Smith guilty!

-
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo kahapon ng Makati Regional Trial Court (RTC) si US Marine Lance Corporal Daniel Smith matapos mapatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa sa 23-anyos na si Nicole sa kontrobersiyal na Subic rape case.

Sa 63 pahinang desisyon ni Judge Benjamin Pozon ng Makati RTC Branch 139, hinatulan ng reclusion perpetua o pagkakulong ng hanggang 40 taon si Smith 21, habang pinawalang sala ang tatlo pang kapwa akusado na sina Lance Corporals Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Staff Sergeant Chad Carpentier dahil sa kakulangan ng ebidensya laban sa mga ito matapos hindi umano napatunayan na nagkaroon ng sabwatan ng gawin ang panggagahasa.

"The prosecution having presented sufficient evidence against Lance Corporal Daniel J. Smith, also of the US Marine Corps assigned at the USS Essex, this court hereby finds him guilty beyond reasonable doubt of the crime of rape," saad sa desisyon ni Pozon.

Bukod sa pagkakakulong ay inatasan din ni Judge Pozon si Smith na magbayad ng halagang P100,000 compensatory at moral damages para sa biktimang si Nicole.

Ang hatol ay iginawad ni Pozon matapos ang apat na buwang marathon hearing para sa kaso na naganap noong Nob. 1, 2005 sa Subic Bay Freeport.

Malalakas na palakpakan ang narinig sa loob ng court room matapos ibaba ang hatol, habang mahigpit namang yumakap sa kanyang pamilya si Nicole kasabay ng pasasalamat sa Diyos sa hustisyang kanyang nakuha.

Kung masusunod ang utos ni Judge Pozon ay inaasahang mabibilanggo si Smith sa Makati City Jail subalit sa panayam kay Atty. Ricardo Diaz, abugado ni Smith, nakatakda silang magsumite ng motion for reconsideration para payagang mapunta sa custody ng US Embassy si Smith dahil walang pinal na usapan kung saan talaga ilalagay ang akusado.

"Dahil ‘yun ang desisyon we have to accept, but it doesn’t mean na we will follow the decision, the judge ordered the detention in the meantime that the decision is not yet final and executory before the Makati City Jail. We are appealing that. We are going to file habeas corpus to invoke the provision of the VFA agreement," pahayag ni Diaz.

Samantala, sinabi din ng korte na ang tatlong naabsweltong akusado ay malaya nang makalalabas ng bansa. Dahil sa paghatol ng korte, si Smith ang kauna-unahang sundalong Kano na na-convict at nahatulan sa korte sa kinasangkutang kaso sa Pilipinas mula ng magsara ang US bases noong 1990.

Sa isang ambush interview naman kay Judge Pozon, inamin nitong naiyak siya habang ginagawa ang desisyon hinggil sa kaso.

Samantala naging maayos naman ang isinagawang pagbabantay ng mahigit sa 200 kapulisan ng Makati police sa pangunguna ni P/Chief Supt. Gilbert Cruz.

Naghiyawan naman sa tuwa ang may 300 miyembro ng ibat-ibang grupo ng kababaihan na pinangungunahan ng Gabriela, Bagong Alyansang Makabayan, Partido ng Manggagawa (PM) at iba pa na matiyagang nag-aantay at nagsasagawa ng rally sa labas ng Makati RTC matapos ihayag ang desisyon ng korte.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umalis na bandang alas-6 kagabi patungong Okinawa, Japan ang tatlong naabsweltong Kano sakay ng US Air Force C-12. (Edwin Balasa at may ulat ni Butch Quejada)

AIR FORCE C

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BUTCH QUEJADA

CHIEF SUPT

DAHIL

DOMINIC DUPLANTIS

JUDGE POZON

MAKATI

MAKATI CITY JAIL

SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with