Sinabi ni Sen. Villar, dapat lagyan din ng mga pabrika ng laruan ng safety warnings ang mga laruan na nakakalason o madaling mag-apoy upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng mga bata.
"Ang mga regalong laruan ay dapat nagpapasaya sa mga bata at mga inaanak kapag Pasko kaya hindi dapat maging dahilan ito ng kanilang pagkakasakit o disgrasya lalo na ang mga laruang may maliliit na parte na hindi dapat nilalaro ng mga batang edad 3 taon pababa," dagdag pa ng mambabatas.
Isinusulong ni Villar ang senate bill 658 o Toy Safety Labelling Act kung saan ay nais nitong ideklarang hazardous substance at huwag payagang maibenta sa mga tindahan ang mga laruang walang safety labels. (Rudy Andal)