^

Bansa

Public interview binoykot ng 5 mahistrado

-
Hindi sumipot kahapon sa public interview ng Judicial Bar Council (JBC) ang limang mahistrado na kandidato para sa susunod na Supreme Court Chief Justice kapalit ni Artemio Panganiban.

Tanging si Sen. Miriam Defensor-Santiago lamang ang dumalo pero humiling na huwag na siyang isailalim sa interview dahil magiging "unfair" anya ito sa kanyang mga katunggali sa posisyon.

Nauna nang sumulat sa JBC panel sina Associate Justices Antonio Carpio; Reynato Puno; Leonardo Quisumbing; Angelina Sandoval-Gutierrez at Consuelo Ynares-Santiago na hindi na nila kailangang sumailalim sa public interview dahil walang kuwestiyon sa kanilang moralidad at integridad.

Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, maaaring ma-disqualify ang mga nasabing mahistrado sa hindi nila pagdalo sa naganap na public interview. Muling magpupulong ang JBC sa Lunes.

Malaki ang paniniwala ni Pangilinan na dapat pa rin umanong maitulak ang public interview dahil ito ay maituturing na "transparency" sa publiko.

Kailangang makapagsumite ang JBC ng pangalan kay Pangulong Arroyo dahil mababakante ang nasabing posisyon sa darating na Disyembre 9.

Sa bandang huli ang Pangulo pa rin ang may kapangyarihang pumili kung sino ang susunod na chief justice. (Grace dela Cruz)

ANGELINA SANDOVAL-GUTIERREZ

ARTEMIO PANGANIBAN

ASSOCIATE JUSTICES ANTONIO CARPIO

CONSUELO YNARES-SANTIAGO

FRANCIS PANGILINAN

JUDICIAL BAR COUNCIL

LEONARDO QUISUMBING

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG ARROYO

REYNATO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with