^

Bansa

Hindi pagbabayad sa PIATCO suportado ng batas

-
Iginiit ni Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina na suportado ng batas sa Estados Unidos gayundin sa International Arbitral Tribunals ang kanyang ipinaglalaban upang hindi bayaran ng gobyerno ang Philippine International Air Terminal Corporation (PIATCO).

Sinabi ni Rep. Baterina sa nakaraang oral argument sa Korte Suprema sa pamamagitan ni Atty. Jose Bernas na hindi umano dapat bayaran ng gobyerno ang PIATCO matapos ideklara ng SC na ilegal ang kontrata nito at nilabag ang ilang batas.

Wika pa ni Baterina, sa US ay ibinabasura lamang ang kahilingan ng sinumang contractors kapag napatunayan na ilegal ang kontrata nito kahit nakinabang ang gobyerno dito.

Nagtataka din ang kongresista kung bakit ang laki ng takot ng gobyerno sa PIATCO.

Payag naman si Baterina na bayaran ang nagastos ng PIATCO sa pagpapatayo sa NAIA terminal 3 pero hindi ang kabuuan ng konstruksyon nito. (Grace dela Cruz)

BATERINA

CRUZ

ESTADOS UNIDOS

IGINIIT

ILOCOS SUR REP

INTERNATIONAL ARBITRAL TRIBUNALS

JOSE BERNAS

KORTE SUPREMA

PHILIPPINE INTERNATIONAL AIR TERMINAL CORPORATION

SALACNIB BATERINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with