Manalo, matalo: GMA, Pacquiao pa rin!
November 19, 2006 | 12:00am
Manalo o matalo, tiniyak ni Pangulong Arroyo na mananatiling kampeon sa kanyang puso si Manny "Pacman" Pacquiao.
Kahapon ay pinangunahan ng Pangulo ang sambayanang Pilipino sa panalangin para sa tagumpay ng laban ngayon ni Pacquiao kay Mexican Erik "El Terible" Morales sa Las Vegas, Nevada.
Nasa Hanoi, Vietnam ang Pangulo at dumadalo sa APEC Summit.
Inihayag ni Presidential Chief of Staff Mike Defensor na lubos ang kumpiyansa ng Pangulo na magwawagi si Pacquiao sa laban niya kay Morales para bigyang-karangalan ang bansa hindi lang sa larangan ng boksing kundi sa sinisimbolo niyang katatagan at kakayahan.
Sinabi ni Defensor na nais sana ng Pangulo na makausap si Pacquiao bago ang laban, pero nagpasya ang Presidente na tawagan ito pagkaraan ng kanyang laban.
Gusto anya ng Pangulo na ituong pansin ni Pacquiao ang kanyang panahon sa paghahanda sa laban at hindi siya maistorbo sa pagtutok sa istratehiyang gagamitin para talunin ang Mexicano.
"Manalo o matalo, Pacquiao pa rin ang Pangulo at tatawagan siya ng Pangulo sa Las Vegas at pagdating niya sa bansa, bibigyan siya ng kaukulang pagpupugay ng sambayanang Pilipino," ani Defensor.
Samantala, sold out na ang mga tiket sa mga sinehan na magpapalabas ng laban.
Sa mga nagtitipid at gustong makapanood ng live fight, libreng mapapanood ang bakbakan sa harap ng Plaza Miranda sa Quiapo, San Andres Sports Complex, Ninoy Aquino Sports Stadium at Rizal Sports Complex kung saan maglalagay ng wide screen. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest