^

Bansa

Sa ‘freedom for sale’: Immigration gigisahin sa Kamara

-
Ibinunyag kahapon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na talamak pa rin ang ‘freedom for sale’ sa Bureau of Immigration kung saan sangkot ang matataas na opisyal at empleyado ng ahensiya.

Sa kanyang privilege speech, hinikayat ni Barbers na imbestigahan ng Kongreso ang kuwestiyonableng pagkaka-release ng mga detainees na sina Zhang Du, isang Chinese national at Vo Van Duc, isang Vietnamese national ng walang kaukulang papeles mula sa korte, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pagbubunyag ni Barbers, si Zang Du ay isang detainee at nahaharap sa kasong kidnapping for ransom at mga pekeng papeles ang iprenisenta nito sa guard na nag-release at nag-escort sa kanya para makatakas.

Ang labis na nakapagtataka pa aniya, ang pagre-release kay Zhang ay ginawa noong Mayo 7, 2005, araw ng Sabado, alas-6 ng umaga.

Tatlong Commissioners naman umano ang nag-utos ng deportasyon ni Vo Van Duc kahit na wala pa itong clearance mula sa korte, NBI at PNP.

Malaki aniya ang dapat ipaliwanag ng mga opisyal ng BID dahil ayon sa ulat ng PNP, si Vo Van Duc ay sangkot sa terrorist plots at naaresto ito noong 2001 dahil sa possession ng explosives.

Nakapagtataka din aniya na nagkaroon ng Philippine passport si Duc at mabilis itong nakalabas ng bansa.

"Malaya na, Pilipino pa. Nasaan kaya siya ngayon? Sigurado ako, nasaan ka man Vo Van Duc, masaya ka ngayon, maybe poorer by several millions, but free nonetheless," ani Barbers.

Ipinaalala rin ni Barbers na kamakailan lamang ay nahatulan ng Sandiganbayan si dating Immigration Commissioner Zafiro Respicio dahil sa ilegal na deportasyon sa ‘eleven Little Indians’ 12 taon na ang nakakaraan. (Malou Escudero)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

IMMIGRATION COMMISSIONER ZAFIRO RESPICIO

LITTLE INDIANS

MALOU ESCUDERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NORTE REP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBERT ACE BARBERS

TATLONG COMMISSIONERS

VO VAN DUC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with