^

Police Metro

PWD tepok sa sunog; 41 pamilya apektado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 45-anyos na lalaking person with disability (PWD) ang nasawi matapos umanong bumalik sa kanilang nasusunog na bahay sa Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City, upang umihi noong Linggo ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog, alas-8:19 ng umaga at naapula, alas-10:35.

Nabatid na nakalabas na umano ang biktimang si alyas “Christopher” kasama ang kanyang pamilya ngunit bumalik sa loob ng bahay nang hindi namamalayan ng kaniyang mga kaanak. Natagpuan ang kaniyang bangkay matapos maapula ang apoy.

Samantala, isang lalaki ang nagtamo ng mga paso sa mukha at katawan habang tinatangkang apulahin ang apoy.

Sa kanyang salaysay nakakita siya ng nasusunog na lumang extension cord sa isang silid matapos makaamoy ng sunog paglabas ng banyo.

Umabot sa 10 bahay ang natupok, dahilan upang mawalan ng tirahan ang 41 pamilya o kabuuang 131 indibidwal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with