^

Bansa

Sumpa ng mga duwende: SC justices mamalasin, mamamatay

- Ni Grace Dela Cruz -
Makakaranas ng sunud-sunod na kamalasan at posible umanong mamatay isa-isa ang mga mahistrado ng Korte Suprema simula sa Linggo ng hatinggabi.

Ito ang nilalaman ng pangatlong "motion for reconsideration" ni dating Malabon Regional Trial Court branch 73 Judge Florentino Floro Jr. na inihain nito na naglalayong makabalik siya sa nasabing posisyon.

Sa nabanggit na mosyon ni Floro, magdaranas ng sumpa ang mga mahistrado ng Korte Suprema gayundin ang kanilang mga kamag-anak hanggang sa ika-apat na saling lahi.

Ito anya ang napagkasunduan ng tatlong duwende na sina Armand, Luis at Angel na nagpakita sa kanya noong nakaraang linggo matapos na tila mag-"en banc session" ang mga ito.

Inilakip ni Floro sa kanyang mosyon ang mga larawan ng tatlong duwende na tila kamukha ng komedyanteng "three stooges."

Nagalit umano ang mga nasabing duwende sa hudikatura dahil sa pagtatakip ng mga ito sa katotohanan partikular na sa kanyang kaso.

Magsisimula umanong matupad ang sumpa sa hatinggabi ng Nobyembre 5 kasabay ng ika-53 kaarawan ni Floro.

Isa lamang umano sa mga mahistrado ang makakaligtas sa nabanggit na sumpa matapos na pakiusapan ni Floro ang tatlong duwende na huwag itong idamay.

Hindi naman tinukoy ni Floro kung sino sa 15 mahistrado ang hiniling niyang huwag mapasama sa sumpa ng kanyang mga kaibigang duwende.

Magugunita na sinibak ng SC si Floro dahil sa umano’y weird na pagsasagawa nito ng hearing sa kanyang sala at pagkonsulta sa mga nasabing duwende sa pagpapalabas ng desisyon.

ARMAND

DUWENDE

FLORO

INILAKIP

ISA

JUDGE FLORENTINO FLORO JR.

KORTE SUPREMA

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with