Vice mayor ng Makati pinababalik ng CA
October 28, 2006 | 12:00am
Pinababalik ng Court of Appeals (CA) sa kanyang posisyon si Makati Vice Mayor Ernesto Mercado matapos magpalabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) na siyang haharang sa suspension na ipinalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa tatlong pahinang resolution na isinulat ni Associate Justice Enrico Lanzanas, tatagal ang nasabing TRO sa loob ng 60-araw habang pinaglalagak naman si Mercado ng P200,000 bond sa loob ng limang araw.
Inatasan din ng CA ang DILG at ang Malacañang na maghain ng kanilang komento sa loob ng 10 araw upang maipaliwanag kung bakit hindi dapat na panatilihin ang TRO na ipinalabas nito.
Una nang pinagbigyan ng CA si Makati Mayor Jejomar Binay matapos na maglabas din ito ng TRO.
Gayunman, patuloy na pinag-aaralan ng korte kung itoy maglalabas din ng TRO na papabor sa 16 konsehal ng Makati City. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest