^

Bansa

Enrile kumpiyansang papasa ang anti-terror bill

-
Aminado si Sen. Juan Ponce Enrile na kahit maipasa ang anti-terrorism bill ay hindi ito garantiya na mapipigilan ang mga terorista sa ating bansa. Aniya, hindi puwedeng kontrolin ang utak ng mga tao dahil may kanya-kanyang dahilan, pero sakaling maipasa ito, posibleng magdadalawang-isip sila bago ito gawin.

Dinagdag nito na kapag naging ganap na itong batas, makakatulong ito sa mga law enforcers para magpatupad ng batas. Sinabi rin nito na ang anti-terrorism bill ay nakatuon sa mga terorista at sa mga may balak na gumawa ng terorismo kaya walang dapat ipangamba ang mga oposisyon. Kumpiyansa si Enrile na magiging ganap na batas ito bago matapos ang taon at ang kailangan na lang ay pagdebatehan nila ang mga amendments na ipinasok ng mga kontra sa kanyang bersiyon. (Rudy Andal)

AMINADO

ANIYA

DINAGDAG

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

KUMPIYANSA

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with