^

Bansa

DOJ probe sa nursing exam leak kasado na

-
Kasado na ang isasagawang imbestigasyon sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa inihaing reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 17 personalidad na sangkot sa Nursing Licensure Exam leakage.

Sa Department Order No. 780, binuo ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang five-man panel na siyang magsasagawa ng preliminary investigation sa kaso.

Matatandaang 17 personalidad na pawang nagmula sa tatlong review centers ang ipinagharap ng NBI ng kasong paglabag sa Republic Act 8991 o Professional Regulations Commission (PRC) Modernization Act.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Ricarte, Evangeline, Ma. Elena at Eleanor Gapuz at Elizabeth Iciano na pawang mula sa Gapuz Review Center Inc.

Dawit din ang mga opisyal ng INRESS Review Center, Inc. na sina George Cordero; Adela at Jerry Cordero; Corazon Sabado; Macjohn Fabian; Lolita Barlahan at Eugenia Alcantara habang ang natitirang sina Gerald Andamo; Atty. Glenn Luansing; Mike Jimenez; Jerome Balisnomo at Freddie Valdez ay mula sa Pentagon Review Center.

Inaasahan namang pagtutuunan ng pansin ng panel ang ibinunyag ng whistleblower na si Dennis Bautista na, taliwas sa report ng NBI, ay hindi limitado sa Baguio at Metro Manila ang leakage dahil sa isang last minute coaching na dinaluhan niya mismo sa Philippine Trading Center ay natuklasan niyang napapanood din ito sa pamamagitan ng satellite sa Cebu at Davao. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CORAZON SABADO

DENNIS BAUTISTA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELEANOR GAPUZ

ELIZABETH ICIANO

EUGENIA ALCANTARA

FREDDIE VALDEZ

GAPUZ REVIEW CENTER INC

GEORGE CORDERO

GERALD ANDAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with