^

Bansa

Charo, Willie, 15 pa kasuhan sa Ultra stampede — DOJ

-
Inutos na ng Department of Justice (DOJ) ang pormal na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 17 katao na sinasabing may pananagutan sa naganap na trahedya sa unang anibersaryo ng noontime show ng ABS-CBN na Wowowee noong Peb. 4, 2006 sa Ultra, Pasig City.

Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injury ang kinakaharap nina Charo Santos Concio, executive vice president at head ng Entertainment Group ng ABS-CBN; Malou Almadel, production manager; Rene Luspo, chief security, Wowowee noontime show host Willie Revillame at 13 iba pang staff.

Inirekomenda rin ng DOJ na maaaring maglagak ng piyansa ang mga ito ng tig P10-libo para sa naturang kaso subalit aabot ito sa milyun-milyong piso dahil kailangang i-multiply ito sa bawat bilang ng namatay at nasaktan sa naganap na Ultra stampede.

Ang kaso ay nakatakdang ihain na sa Pasig Regional Trial Court (RTC).

Sinabi naman ni Justice Secretary Raul Gonzalez na maari pa namang maghain ng apela sa DOJ ang kampo ng ABS-CBN. (Ludy Bermudo)

CHARO SANTOS CONCIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENTERTAINMENT GROUP

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LUDY BERMUDO

MALOU ALMADEL

PASIG CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

RENE LUSPO

WILLIE REVILLAME

WOWOWEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with