Kinilala ni NBI Anti-Fraud and Computer Division Chief Atty. Efren Meneses ang mga kinasuhang mga opisyal ng Gapuz Review Center na sina Ricarte Gapuz, Evangeline Gapuz, Maria Elena Altajeros, Elizabeth G. Iciano at Eleanor Gapuz.
Kasama din ang mga opisyal ng Inress Review Center Inc., na sina George Cordero, Adela Cordero, Jerry Cordero, Corazon Sabado, Macjohn Fablan, Lolita Barlahan at Eugenia Alcantara at ang mga opisyal naman mula sa Pentagon Review Specialist Inc., na sina Gerald Andamo, Atty. Glenn Luansing, Mike Jimenes, Jerome Balisnomo at Freddie Valdez.
Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang mga pangalan na sangkot sa nasabing kaso dahil patuloy umanong mangangalap ng ebidensiya ang prosecution.
Hawak ng NBI ang 20 witness na kinabibilangan ng mga estudyante, lecturers at maging ng mga nagsi-xerox, mga mahahalagang ebidensiya tulad ng mga CDs affidavits at manuscripts na naglalaman ng 495 questions. (Grace dela Cruz)