^

Bansa

17 opisyal kinasuhan na ng NBI sa nursing exam leak

-
Sinampahan na ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang 17 katao na sangkot sa dayaan sa Nursing board exam.

Kinilala ni NBI Anti-Fraud and Computer Division Chief Atty. Efren Meneses ang mga kinasuhang mga opisyal ng Gapuz Review Center na sina Ricarte Gapuz, Evangeline Gapuz, Maria Elena Altajeros, Elizabeth G. Iciano at Eleanor Gapuz.

Kasama din ang mga opisyal ng Inress Review Center Inc., na sina George Cordero, Adela Cordero, Jerry Cordero, Corazon Sabado, Macjohn Fablan, Lolita Barlahan at Eugenia Alcantara at ang mga opisyal naman mula sa Pentagon Review Specialist Inc., na sina Gerald Andamo, Atty. Glenn Luansing, Mike Jimenes, Jerome Balisnomo at Freddie Valdez.

Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang mga pangalan na sangkot sa nasabing kaso dahil patuloy umanong mangangalap ng ebidensiya ang prosecution.

Hawak ng NBI ang 20 witness na kinabibilangan ng mga estudyante, lecturers at maging ng mga nagsi-xerox, mga mahahalagang ebidensiya tulad ng mga CD’s affidavits at manuscripts na naglalaman ng 495 questions. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ADELA CORDERO

ANTI-FRAUD AND COMPUTER DIVISION CHIEF ATTY

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

CORAZON SABADO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EFREN MENESES

ELEANOR GAPUZ

ELIZABETH G

EUGENIA ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with