Comelec officials pinapa-impeach
October 11, 2006 | 12:00am
Muling nagsampa kahapon ng impeachment complaint sa House of Representatives si Atty. Oliver Lozano laban kina Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. at Commissioners Resurreccion Borra at Florentino Tuason Jr. kaugnay sa sinasabing maanomalyang kontrata sa pagbili ng P1.3 bilyon automated poll machines.
Inireklamo ni Lozano ng "betrayal of public trust" ang mga opisyal ng Comelec dahil sa pagbibigay sa Mega-Pacific Consortium noong 2003 ng automation contract.
Ayon kay Lozano, hindi dapat pinayagan ang nasabing kompanya na sumali sa bidding process dahil bigo itong ma-meet ang eligibility requirements.
Ang unang impeachment complaint ay isinampa ni Lozano laban sa mga opisyal ng Comelec noong Pebrero 2006, pero walang kongresistang nag-endorso nito.
Ayon pa kay Lozano, mismong ang Supreme Court ang nagsabi na dapat panagutan ng mga opisyal ng Comelec ang palpak na bidding at pagbibigay ng kontrata sa Mega Pacific.
Maliwanag umanong inabuso ng mga opisyal ng Comelec ang kanilang kapangyarihan kaugnay sa pagbibigay ng kontrata.
Pero inabsuwelto ng Office of the Ombudsman ang Comelec kaya napilitan umano si Lozano na sampahan ang mga ito ng panibagong reklamo.
Wala pa ring nakukuhang mag-eendorso ng reklamo si Lozano bagaman at sinabi nito na hiniling na niya ang tulong nina House Minority Leader Francis Escudero at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay. Ayon naman kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, pagkatapos na ng budget hearing nila pag-uusapan sa minorya kung susuportahan ang inihain ni Lozano. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended