Sinabi ni Sen. Santiago, tapos na ang kanyang sponsorship speech para sa nasabing panimulang batas at hiniling na niya kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan na bigyan ito ng prayoridad para pagdebatihan sa sesyon.
Nakapaloob sa panukala na bawal itayo ang billboard na walang 1,000 feet ang layo mula sa anumang interchange, right of way, intersection ng mga streets, historical site, paaralan, simbahan, ospital, sementeryo, government buildings, public parks, playground, recreation at convention centers.
Bawal na ring magtayo ng billboards sa mga nakakaharang na daan, nakakaharang sa scenic vista sa mga highway, residential zones, mga lupang pag-aari ng gobyerno, telephone or utility poles at sa ibabaw ng mga gusali.
Nilimitahan na rin sa taas na 50 feet at 300 sq. ft, ang size ng mga billboards magmula sa lupa, ayon pa kay Santiago. (Rudy Andal)