^

Bansa

Anti-Billboard Bill ni Miriam sinertipikahang ‘urgent’ ni GMA

-
Sinertipikahan ni Pangulong Arroyo bilang urgent bill ang Anti-Billboard Blight bill ni Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos personal na pangasiwaan kamakalawa ng Pangulo ang pagbaklas sa mga illegal giant billboards sa Metro Manila.

Sinabi ni Sen. Santiago, tapos na ang kanyang sponsorship speech para sa nasabing panimulang batas at hiniling na niya kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan na bigyan ito ng prayoridad para pagdebatihan sa sesyon.

Nakapaloob sa panukala na bawal itayo ang billboard na walang 1,000 feet ang layo mula sa anumang interchange, right of way, intersection ng mga streets, historical site, paaralan, simbahan, ospital, sementeryo, government buildings, public parks, playground, recreation at convention centers.

Bawal na ring magtayo ng billboards sa mga nakakaharang na daan, nakakaharang sa scenic vista sa mga highway, residential zones, mga lupang pag-aari ng gobyerno, telephone or utility poles at sa ibabaw ng mga gusali.

Nilimitahan na rin sa taas na 50 feet at 300 sq. ft, ang size ng mga billboards magmula sa lupa, ayon pa kay Santiago. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANTI-BILLBOARD BLIGHT

BAWAL

METRO MANILA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAKAPALOOB

NILIMITAHAN

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with