Counting machines ng Comelec: Ipagamit kesa mabulok!
October 9, 2006 | 12:00am
Kaysa umano mabulok ay dapat ipagamit na lamang ang automa-ted counting machines ng Commission on Elections (Comelec) nang hindi masayang ang buwis ng taumbayan na ipinambayad sa mga ito.
Nakatakdang isulong ngayon ng Assalam Partylist at grupong Alyansa ng Sambayanan para sa Pagbabago (ASAP) ang pambansang "signature campaign" para kumalap ng milyon-milyong lagda para hilingin sa Korte Suprema ang pagpapagamit sa nakatambak na bilyong halaga ng counting machines.
Sinabi ni Penny Disimban, chairman ng Assalam partylist na napatunayan na hindi mapagkakatiwalaan ang kasalukuyang sistema ng eleksiyon na ipinapatupad ng Comelec dahil sa isyu ng dayaan nitong nakaraang 2004 elections.
Maaari umanong walang isyu ng Garci tape kung nagamit lamang ang mga counting machines at nalaman kung sino talaga ang tunay na nanalo. Hindi na umano magkakaroon ng isyu ng dagdag-bawas sa mga boto partikular na sa Mindanao.
Sinabi naman ni Atty. Ernesto Arellano, chairman ng ASAP, na hindi na umano isyu ngayon kung sino ang nakinabang o nadehado sa pagitan ng Comelec at Mega Pacific. Dapat umanong ikonsidera ng Korte Suprema ang karapatan ng mamamayan na mapakinabangan ang ibinabayad nilang buwis at masolusyonan ang laganap na dayaan sa halalan.
Kasalukuyang nakaimbak ang 1,991 machines na nagkakahalaga ng P3.9 bilyon sa 4th floor ng warehouse ng Comelec sa UN Ave. buhat nang ideklara ng SC ang kontrata na "null and void."
Inamin naman ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na huli na para magamit ang naturang mga makina kahit na pumabor pa ang Korte sa muling pagpapagamit nito dahil naghahanda na ngayon ang kanyang ahensiya para sa manual o "tao-tao" na pagbibilang sa mga boto para sa nalalapit na 2007 elections.
Kasalukuyang gumagastos ang Comelec ng P3.9 milyon para lamang sa pag-iimbak at maintenance ng naturang mga counting machines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended