Walang nawawalang pondo – Quiambao

Siniguro ni CITRA chief executive officer Cesar Quiambao na walang nawawalang pondo at handa sila sa anumang imbestigasyon kaugnay sa naging alegasyon laban sa kanila.

Sinabi ni Mr. Quiambao, misleading ang naging akusasyon nina Rep. Rolex Suplico at Rep. Miguel Zubiri laban sa CITRA.

Aniya, mayroong utang ang CITRA na $1.8 milyon sa Stradec, kung saan siya ay konektado din, subalit aprubado ng inter-corporate shareholders ang nasabing transaksyon.

Nilinaw ni Quiambao na ang inutang na pera ng CITRA ay para sa inter-corporate business deals at hindi napunta sa kanyang bulsa gaya ng akusasyon ng 2 mambabatas.

Handa din si Quiambao na sumailalim sa anumang imbestigasyon kahit na ang CITRA ay isang privately-owned company.

Show comments