Sabio suportado ng PDSP
September 20, 2006 | 12:00am
Nagpahayag ng suporta ang Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDSP) at Aksyon Sambayanan(AkSa) kay PCGG chairman Camilo Sabio kasabay ng kanilang kampanya upang panatilihin ang batas sa bansa.
Ayon sa dalawang grupo, pabor sila sa transparency o anumang imbestigasyon subalit kailangan pa ring ipatupad at igalang ang Executive Order No. 1 kung saan pinagbabawalan ang sinumang officials ng PCGG na makibahagi sa anumang mga judicial, legislative at administrative proceedings maliban sa imbestigasyong isinasagawa ng Sandiganbayan at ng Supreme Court.
Sinabi ng mga ito na ang EO No.1 at nananatiling valid at operative at hindi maituturing na inconsistent sa 1987 Constitution. "And no one is above the law even if they are Senators," anang mga ito.
Binatikos din ng grupo ang pang-aabuso ng kapangyarihan ng ilang mga senador upang gipitin ang ilang govt officials para sa kanilang mga personal na interes. Anila dapat na ring tapusin ang pagiging hipokrita ng mga senador na umanoy nagpapanatili ng kalayaan ng bansa.
Bagamat sariling laban ito nito Sabio, sinabi ng dalawang grupo na naniniwala silang kailangan pa ring pairalin ang batas. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended