Di kami ingrato Pia
September 9, 2006 | 12:00am
Tila nasaktan si Sen. Pia Cayetano sa patutsada ni First Gentleman Mike Arroyo na wala siyang utang na loob matapos kalabanin ng kanyang nakababatang kapatid na si Rep. Alan Peter Cayetano ang Unang Ginoo.
Sinabi ni Sen. Cayetano, hindi niya itinatanggi ang nagawang tulong sa kanya ni FG Arroyo nang tumakbo siya noong nakaraang 2004 elections sa ilalim ng tiket ng administrasyon, subalit may trabaho anya siya at kanyang kapatid bilang mga miyembro ng Kongreso na dapat gampanan.
Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat kay Mr. Arroyo at hindi niya ito makakalimutan pero hindi raw sila dapat paratangang mga "ingrato" o walang utang na loob.
Ayon kay Cayetano, hindi siya nakikialam sa mga ginagawa ng kanyang kapatid at hindi rin sila nagdidiskusyon tungkol sa akusasyon nito kay FG at sa Unang Pamilya subalit naniniwala siyang hindi maglalakas-loob si Rep. Cayetano na magbulgar ng isang bagay na wala siyang sapat na kaalaman. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended