^

Bansa

DOJ pinakikilos ni Pimentel vs political killings

-
Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa Department of Justice (DOJ) na huwag upuan ang mga kaso ng political killings at ibat ibang human rights abuses na pawang inirekomenda ng Commission on Human Rights (CHR) upang isampa ang kaso sa korte.

Sinabi ni Sen. Pimentel, 432 kaso ang inirekomenda ng CHR sa prosecutor’s office sa ibat ibang rehiyon sa bansa mula lamang Enero hanggang Hunyo ng taong ito.

"But the DOJ and its prosecutors are merely sitting on these cases. They are duty-bound to act expeditiously on these cases and to file the appropriate criminal charges against the perpetrators before the courts," wika pa ni Pimentel.

Idinagdag pa ng mambabatas, dapat ipabatid ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa publiko ang status ng mga kasong ito upang mabura ang hinala na pinagtatakpan ng gobyerno ang pagkakasangkot ng militar sa kasong pang-abuso sa karapatang pantao.

Wika pa ni Pimentel, kung mabilis lamang naisasampa ang mga kaso ng political killings at pag-abuso sa karapatang pantao ay hindi na kailangan ng Malacañang na bumuo pa ng komisyon para dito.

Aniya, ang pondo sanang gagamitin ng Melo Commission na pamumunuan ni retired Supreme Court Justice Jose Melo ay dapat magamit na lamang sa ibang makabuluhang bagay tulad ng pagdagdag ng pondo sa CHR. (Rudy Andal)

ANIYA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

HINILING

HUMAN RIGHTS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MELO COMMISSION

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SUPREME COURT JUSTICE JOSE MELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with