Petron sinisi ang may-ari, kapitan ng barko
September 2, 2006 | 12:00am
Isinalang kahapon sa imbestigasyon ng Special Board of Marine Inquiry (SBMI) ang mga opisyales ng Petron Corp. na siyang may-ari ng 2.2 milyong litrong bunker fuel na ipinabiyahe nito sa Sunshine Maritime Devt Corp. (SMDC) sa pamamagitan ng lumubog na Solar 1 tanker.
Sinabi ni Rolando Salonga, distribution manager ng Petron, responsibilidad ng may-ari ng barko o ng SMDC at ng kapitan ng barko ang naganap na paglubog. Sinabi nito na nagsasagawa lamang sila ng random safety inspection sa kinukumisyon nilang oil tanker base sa safety inspection documents na isinumite ng may-ari ng barko na kanila namang ikukumpara sa checklist ng "Oil Companies International Marine Forum."
Base sa isinumite umano sa kanilang dokumento ng SMDC, "suitable at Rated A" ang Solar 1 kaya nila ipinagkatiwala rito ang paglalayag ng kanilang langis. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest