Cayetano di takot sa libel ni FG
September 1, 2006 | 12:00am
Nakahanda si House Deputy Minority Leader Alan Peter Cayetano na harapin ang kasong libel na isinampa laban sa kanya ni First Gentleman Mike Arroyo.
Ayon kay Cayetano, wala siyang dapat katakutan at nakahanda siyang sagutin ang kaso at hindi siya tutulad kay Pangulong Arroyo na kahit isang beses ay hindi sumagot sa mga kasong ibinabato sa kanya.
"Haharapin ko at sasagutin ang libel case ng walang takot kasi di ako guilty. Ang Pangulo ayaw sumagot, takot kasi guilty," ani Cayetano.
Nakakalungkot lamang anya dahil ginagamit ng Unang Ginoo ang DOJ at ang korte upang patahimikin ang kanyang mga kritiko sa halip na linisin ang kanilang pangalan.
Anya, hindi mareresolba ang mga isyung pulitikal sa bansa sa pamamagitan ng paghahain ng libel case.
Muling iginiit ni Cayetano kay FG ang paglagda sa waiver upang patunayan na wala talaga itong itinatago. Sinabi naman ni Rep. Francis Escudero na kahit kailan, ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi maituturing na libelous. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest