Ayon kay Sen. Villar, hindi biro ang idinulot na perwisyo ng oil spill sa nasabing lalawigan na pinangangambahang lumawak pa dahil hanggang ngayon ay hindi pa napapalutang ang lumubog na barko na pag-aari ng Sunshine Maritime na may kargang 2 milyong litro ng langis.
Ayon naman kay Sen. Rodolfo Biazon, walang sapat na kakayahan ang Sunshine Maritime, ang may-ari ng barko na lumubog para tumulong sa rehabilitasyon kaya dapat lang na tumulong ang Petron dahil pag-aari naman nila ang mga bunker oils na kumalat.
Mayroon lang daw P5M kapital at P9M kabuuang ari-arian ang nabanggit na kumpanya, at kung pagsasamahin ay P14M lang ito, masyadong mababa para sa panggastos sa paglinis ng karagatan.
Nakatakdang mag-imbestiga ang Joint Committee on Clean Water Act, pero sinabi ni Sen. Pia Cayetano, chairman ng committee on environment and natural resources na tutungo din siya sa lugar ngayon. (Rudy Andal)