^

Bansa

Isa pang sangkot sa pagpatay kay Ninoy tiniyak na mapapabalik sa Pinas

-
Nakikipag-ugnayan na ang Public Attorney’s Office (PAO) sa iba’t ibang bansa para mapabalik sa Pilipinas si Capt. Felipe Valerio, ang tumatayong lider noon ng mga sundalong nasasangkot sa pagpatay kay dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Sa pinaka-huling impormasyong natanggap ng PAO, nasa Seattle, Washington umano si Valerio at piloto ng isang commercial flight.

Gumagamit umano ito ng tatlong aliases. Wala naman umanong naging pagbabago sa pisikal na kaanyuan nito kundi tumaba lamang ang pangangatawan.

Nabatid na mayroon ng warrant of arrest, hold departure order at extradition request para kay Valerio sa Dept. of Justice subalit patuloy umanong nabibinbin sa hindi malamang dahilan.

Aminado naman ang lumutang na testigo sa Ninoy slay case na si SPO4 Ruben Cantimbuhan na posibleng nalalagay na sa balag ng alanganin ngayon ang kanyang buhay dahil sa pagbubunyag ng kanyang nalalaman sa nasabing kaso.

Hindi man aniya tanggapin ng pamilya Aquino ang kaniyang mga testimonya, isaalang-alang na lamang sana umano ng pamilya ang kalagayan ng 13 sundalong patuloy na nagdurusa sa loob ng bilangguan nang wala namang kasalanan.

Sinabi ni Cantimbuhan na halos tatlong dipa lamang ang layo niya kay Ninoy nang barilin ito ni Rolando Galman na nasa gawing likuran ng hagdang binabaan ni Ninoy mula sa eroplano.

Ang pahayag ay nagtutugma sa resulta ng pagsusuri ng mga forensic experts na sa gawing likurang bahagi ng kaliwang tenga ni Ninoy ang unang tama ng balang pumasok sa katawan nito. (Angie dela Cruz)

AMINADO

ANGIE

AQUINO

AQUINO JR.

FELIPE VALERIO

NINOY

PUBLIC ATTORNEY

ROLANDO GALMAN

RUBEN CANTIMBUHAN

VALERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with