^

Bansa

AFP sinasanay na sa bomb detection

-
Inumpisahan na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang puspusang pagsasanay sa mga sundalo para maging eksperto ang mga ito sa pagkilala o pagtukoy sa iba’t ibang uri ng eksplosibo at mga high-powered bombs.

Ayon kay AFP-PIO chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, ang hakbang ay bahagi ng inilatag na security blanket upang mapalakas pa ang anti-terrorism campaign partikular na sa mga tinaguriang pinamumugarang lugar ng mga terorista sa rehiyon ng Mindanao.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bacarro na nananatili pa rin sa heightened alert ang Mindanao Region habang patuloy naman ang dragnet operation laban kina Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani at mga hinihinalang miyembro at lider ng Jemaah Islamiyah terrorist na kinakanlong ng mga ito sa lalawigan ng Sulu.

Kabilang sa mga sinasanay ngayon sa "bomb detection" ay ang mga tauhan ni Lt. Col. Jorge Lomboy III ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at Light Armored Brigade sa pangunguna ni Lt. Cheery Flores Tuabas, pawang ng Phil. Army. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARTOLOME BACARRO

CHEERY FLORES TUABAS

JEMAAH ISLAMIYAH

JORGE LOMBOY

JOY CANTOS

KHADAFFY JANJALANI

LIGHT ARMORED BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with