FG kay Cayetano: $1M i-ready mo na!
August 20, 2006 | 12:00am
"Maglagay ka na ng $1 milyon sa bangko. Magkita tayo sa Martes at sabay na tayong magtungo sa Germany."
Ito ang naging hamon ni First Gentleman Mike Arroyo kay Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano kahapon matapos mapaulat na tinanggap ng kongresista ang kanyang panawagan na ibayad sa kanya ang umanoy nakatagong milyun-milyong dolyares ng Unang Pamilya sa Germany oras na ito ay hindi mapatunayan ng pulitiko.
Inulit ni Ginoong Arroyo na ibibigay niya sa sambayanan ang anumang ibabayad sa kaniya ni Cayetano.
"Magsama rin tayo ng taga-media upang mailabas agad ang katotohanan. Naghihintay na ang Sambayanan sa katotohanan, at sa matatanggap nila mula sa akin. Huwag na natin silang paghintayin ng matagal pa. Tama na ang daldal," dagdag pa ng Unang Ginoo.
Kasabay nito, ipinababawi ng Malacañang kay Cayetano ang paratang nito na may nakadepositong multi-milyong dollar account sa Germany ang pamilya Arroyo. Dapat umanong humingi ng "public apology" si Cayetano sa Unang Pamilya dahil sa malisyang nalikha niya kung hindi niya nais na sampahan siya ng kaso. (LATolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest