ULAP suportado ang kaso vs Poro Point
August 9, 2006 | 12:00am
Sinuportahan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang hakbang ni San Fernando, La Union Mayor Mary Jane Ortega ng sampahan nito ng kaso ang Poro Point Industrial Corporation (PPIC) kaugnay sa pagpapalabas nito ng mga basura sa baybaying dagat ng nabanggit na lugar.
Ayon kay ULAP president at Bohol Governor Erico Aumentado, ang ginawa ng alkalde ay dapat na tularan ng mga local na opisyal para mabigyang leksyon ang mga port operators na patuloy na nang-aabuso sa karagatan.
"We at ULAP are proud that Mayor Ortega is standing against a company that want only disregards the countrys environmental laws. She deserves not only our full support but the nations highest commendation as well", ayon kay Aumentado.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Ortega na nilabag ng PPIC ang mga environmental laws matapos na magpalabas ito ng basura sa San Fernando Bay. Naungkat din sa imbestigasyon na walang Environmental Compliance Certificate (ECC) ang PPIC mula sa DENR kung saan nagpalabas pa ito ng Cease and Desist Order (CDO) laban sa PPIC nitong nakaraang Biyernes.
"It does not matter whether you are big or small company. For as long as you violate our environmental laws, we will take necessary action against you. In so far as the City of San Fernando is concerned, whoever is in charge of Poro Point seaport must follow the law", pahayag ni Ortega, ang nag-iisang Pinay na nakakuha ng UN Habitat Scroll of Honor award at nakakuha din ng Konrad Adenauer Medal for Excellence at Likas Yaman Award.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest