Ito ay matapos maipasara ni Director Berroya ang dalawang illegal emission test center sa Malabon at Pasig City.
Ipinalabas ni Berroya ang cease and desist order laban sa Wealth emission test center na matatagpuan sa Gov. Pascual Ave., Crispin St., Tenejeros, Malabon na pag-aari ng isang Carmen Locsin at Sodesne Private Emission Testing Center na nasa 31 West drive cor. Capitol drive, Bo. Kapitolyo, Pasig nitong Hulyo 24 dahil sa paglabag sa criteria at conditions para sa accreditation.
Napatunayan batay sa isinagawang on-site inspection ng LTO-NCR PETC monitoring team, na ang Wealth emission testing center ay nag-ooperate ng walang authorization mula December 9, 2005 hanggang kasalukuyan samantalang ang Sodesne ay expire ang authorization nito mula Hulyo 11,2006 hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa memorandum ng PETC Authorization committee noong Mayo 25, dapat nang itigil ang operasyon ng Wealth emission at Sodesne hanggat walang naipagkakaloob sa mga itong LTO authorization. (Angie dela Cruz)