Batangas mayor hiling bumaba sa puwesto
July 21, 2006 | 12:00am
Igalang ang batas!
Ito ang nagkakaisang panawagan ng mga residente ng San Pascual, Batangas kay Mayor Mario Magsaysay, Jr. matapos umanong magmatigas ang alkalde na lisanin ang kanyang posisyon kasunod ng desisyon ng korte na naglalagay kay Antonio Dimayuga bilang duly elected mayor.
Sa isang pahayag, nanawagan din ang mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan sa Department of Interior and Local Government (DILG) na agad resolbahin ang krisis upang maiwasang sumiklab ang gulo.
Nitong nakaraang Hulyo 7 ay nagkaroon ng tensiyon sa nabanggit na bayan nang "lumusob" si Dimayuga kasama ang daang supporters sa municipal hall para okupahin ang puwesto kasunod ng pagkaka-expire ng temporary restraining order (TRO) na isinampa niya sa Comelec noong Hulyo 4, 2006. Sa gym ng naturang munisipyo pansamantalang nagtayo ng opisina si Dimayuga kung saan dito na rin siya kumakain, natutulog at naliligo kasama ang mga tagasuporta.
Nagsimula ang standoff matapos igiit ni Magsaysay na nagkakabisa pa rin ang TRO kasabay ng pagbalewala sa utos ni Batangas Regional Trial Court Judge Ruben Galvez noong Mayo 3 na nagpapawalambisa sa proklamasyon nito bilang mayor noong May 10, 2004 elections.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am