Senado inisnab ni MJ
July 18, 2006 | 12:00am
Inisnab kahapon ng tinaguriang "Hulog ng Langit" na si dating Manila Rep. Mark Jimenez ang flag raising ceremony ng Senado kung saan siya dapat ang guest speaker.
Ayon kay Atty. Ed Escueta, legal counsel ni Jimenez, maysakit ang pilantropo at nilalagnat kaya hindi nagawang makasipot sa imbitasyon ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSAA) upang maging panauhin sa lingguhang flag ceremony.
Nadismaya naman ang may 1,000 empleyado ng Senado sa biglaang hindi pagsipot ni Jimenez sa kanilang flag raising ceremony gayung nagkumpirma na darating ito upang maging guest speaker. Wala ring ipinadalang kinatawan si Jimenez bilang proxy sa nasabing flag raising ceremony.
Sinabi naman ng isang empleyado, hindi daw kasi sila mga residente ng Maynila kaya siguro hindi sumipot si Jimenez sa kanilang imbitasyon.
"Ang dami pa namang gumising ng maaga para lamang dumalo sa flag raising ceremomy dahil si Jimenez ang guest speaker na kilalang pilantropo at tinaguriang hulog ng langit," wika naman ng isa pang empleyado ng Senado.
Kilala kasi si Jimenez na namumudmod ng pera sa mga okasyong pinupuntahan nito tulad ng dumalo sa birthday ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at ng manood ng concert na Pag-ibig sa bayan na itinaguyod ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. sa Meralco theater noong Pebrero kung saan lahat ng tao ay binigyan niya ng tig-isang libong piso.
Tumulong din ito sa mga biktima ng educational plan scam kung saan ay nagbigay ito ng P50 milyon sa Parents Enabling Parents (PEP) coalition para makapag-enroll ang mga kabataan habang mahigit P10 milyon naman ang naipagkaloob nito sa mga biktima ng bagyo noon sa Mindoro.
Sa likod ng ginagawang pagtulong ni Jimenez ay iginigiit nitong wala siyang balak pumasok muli sa pulitika partikular ang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila o pagiging senador dahil nais lamang daw niyang tumulong sa ating mga kababayan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended