^

Bansa

Degree holder ‘out’, skilled workers ‘in’

-
Hiniling ng isang grupo sa Commission on Higher Education (CHEd) na bawasan ang bilang ng mga degree-granting state and colleges at unibersidad sa bansa dahil base sa kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi mga degree holder ang kailangan ngayon ng bansa kundi mga skilled workers.

Ayon kay Michael Eric Castillo, pinuno ng Partido Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas Education Committee, marami umano sa mga Pinoy ngayon ang hindi makayanan ang pag-aaral sa isang unibersidad dahil sa mataas na tuition fee.

At sa kabila na gumagasta ng bilyong piso ang pamahalaan upang makapag-produce ng mga professional sa bansa ay lumalabas pa rin ang mga ito upang makahanap ng mas magandang kita.

Mula sa 78 state colleges at universities ay dapat gawin na lamang itong 50 at ang iba dito ay i-convert sa technical at vocational schools.

Iminungkahi rin ng grupo sa CHEd na makipag-ugnayan sa mga negosyante at labor managers upang tumaas ang demand sa paggawa sa hinaharap.

Una ng inamin ni CHEd Chairman Dr. Carlito Puno na sa 350,000 graduates ng kurso ng pagtuturo ay 40,000 lamang dito ang nakapagtatrabaho ng education-related course. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

DR. CARLITO PUNO

HIGHER EDUCATION

HINILING

IMINUNGKAHI

MICHAEL ERIC CASTILLO

PARTIDO SOSYALISTANG KABATAAN

PILIPINAS EDUCATION COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with