Pasukan ilipat na sa Setyembre!
July 14, 2006 | 12:00am
Muling inulit ni incoming Senate President Manuel Villar, Jr. ang kanyang panawagan na ilipat na mula sa Setyembre hanggang Mayo ang kasalukuyang Hunyo hanggang Marso na sistema ng pasukan sa bansa upang makaiwas ang mga estudyante sa tag-ulan.
Si Sen. Villar ang nag-akda ng Senate Bill 565 na humihiling na baguhin ang kasalukuyang school calendar dahil nagreresulta lamang sa madalas na kanselasyon ng klase ang pagpasok ng mga bagyo sa panahon ng tag-ulan. Bukod pa rito ang buhul-buhol na trapiko, matinding pagbaha, at iba pang problemang nararanasan ng mga estudyante na nagreresulta sa pagkakasakit ng mga ito.
"Ang mga nangyaring aksidente sa bansa sa mga nakalipas na bagyo at ang kapalpakan sa pag-anunsyo ng suspensiyon sa klase, bukod pa sa mga matinding pagbaha at pag-ulan lalo na sa Metro Manila, pagkadiskaril ng biyahe ng mga public transport at iba pang problema ay dapat magmulat sa ating isipan para baguhin na ang kalendaryo ng pasok ng mga eskwelahan sa bansa," ani Villar.
Ang counterpart bill ni Villar sa Kamara na inakda ni Quezon City Rep. Mary Ann Susano ay aprubado na sa House committee on higher and technical education.
Sa kabila ng pagsang-ayon ng maraming mambabatas, mga magulang at DepEd officials sa panukala ni Villar ay tila wala pang seryosong aksiyon na isabatas ito sa Senado. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended