^

Bansa

Pag-hostage sa mga kongresista nabisto sa Oplan Trident

-
Plano umano ng Magdalo na itake-over ang Batasan complex sa Quezon City at ihostage ang mga kongresista sa ilalim ng nabuking na Oplan Trident, base sa mga nakumpiskang computer disc at dokumento laban sa anim na naarestong anim na miyembro ng Magdalo.

Ayon kay AFP spokesman Major Gen. Jose Angel Honrado at Army spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro, ang Oplan Trident ay binubuo umano ng isang Task Group at isang Special Operation Team na ang misyon ay agawin ang liderato sukdulang gumamit ng dahas at dumanak ng dugo.

Sa naturang plano, ite-takeover ng Task Group ang Batasan na balak sanang isagawa sa SONA ni Pangulong Arroyo sa Hulyo 24, habang ang Special Operation Team naman ang naatasang humarang sa mga loyalistang sundalo ng pamahalaan na pipigil sa nasabing hakbangin.

Isiniwalat ng mga opisyal na maliban sa Kamara ay plano rin ng grupo na itake-over ang Palasyo ng Malacañang, Central Bank, College Assurance Plan (CAP), Pacific Pans, Comelec, DOJ, DOLE, Supreme Court, Senado, oil companies, LTA building ni First Gentleman Mike Arroyo, Camp Caringal, Crame, Aguinaldo at Metrowalk.

Matapos itake-over ang Kamara, ang grupo ng mga dating opisyal ng militar, civil society groups at religious leaders ay magtitipun-tipon sa St. Peter Parish Church sa kahabaan ng Commonwealth Ave. at dito ihahayag ang kanilang pagkalas ng suporta kay Arroyo.

Upang hindi matuon ang konsentrasyon ng mga sundalong nananatiling tapat sa gobyerno sa takeover sa Batasan ay aatakihin ng iba pa sa kanilang armadong puwersa ang nabanggit na mga instalasyon ng gobyerno, at iba pa. (Joy Cantos)

BARTOLOME BACARRO

BATASAN

CAMP CARINGAL

CENTRAL BANK

COLLEGE ASSURANCE PLAN

COMMONWEALTH AVE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

OPLAN TRIDENT

SPECIAL OPERATION TEAM

TASK GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with