79 lagda kuha na ng oposisyon

Nakakuha na ng 79 lagda ang United Opposition para sa short cut na proseso ng pagsusulong ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo. Umaasa si House Deputy Minority Leader at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pagbibigyan ni Pangulong Arroyo na masagot ang isyu ng umano’y pandaraya, pagnanakaw, pagsisinungaling at iba pang akusasyong ibinabato sa kanyang administrasyon. Umapela rin si Cayetano sa pamahalaan na tigilan na ang ginagawang LBM o "Lider na Binibili ng Malacañang" na tinukoy ang mga binabayaran umanong mga kaalyado ng administrasyon para patayin ang impeachment complaint. (Angie dela Cruz)

Show comments