Sedition vs financiers
July 7, 2006 | 12:00am
Kakasuhan ng Malacañang ng kasong inciting to sedition si dating Ambassador Roy Señeres dahil sa pag-amin nito na inudyukan niya si Army 1st Scout Ranger Regiment Brig. Gen. Danilo Lim na kumalas ng suporta kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, bukod sa sedition, kasama rin umano sa sabwatan si Señeres para maglunsad ng kudeta laban sa gobyerno noong Pebrero 24.
Gayunman, iimbestigahan pa ang mga pangalang idinawit ni Señeres sa kudeta kabilang sina dating Executive Secretary Oscar Orbos, ex-Defense Sec. Renato de Villa, ABC-5 president Antonio "Tonyboy" Cojuangco, construction mogul F.F. Cruz Jr. at Iñigo Zobel.
Nakiusap naman si Gonzalez kay Lim na makipagtulungan sa pamahalaan at pangalanan na kung sinu-sino ang mga sundalong nasa likod niya, sinu-sino ang mga sumusuporta sa kanya, mga kasabwat at mga financiers.
Gayunman, sinabi ni Gonzalez na kahit makipagtulungan si Lim ay imposibleng maging testigo ito ng pamahalaan dahil hindi ito maituturing na least guilty o yung may pinakamaliit na partisipasyon sa kaso.
Tiniyak naman ng DOJ na madadawit ang ABC-5 sa kaso ni Lim. Ani Gonzalez, positibo ang natanggap niyang info na ang naturang TV network ang siyang kumuha ng video na plano sana umanong ipalabas kung nagtagumpay ang mga ito sa pagkontrol sa kabuuan ng AFP.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended