Graft vs Ombudsman official isinampa
July 4, 2006 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang isang mataas na opisyal nito.
Ang kinasuhan ng graft ay si Deputy Ombudsman for the military and other law enforcement offices Orlando C. Casimiro. Ang nagharap ng reklamo ay si Gilbert Bueno na isang graft and investigation officer ng Ombudsman.
Kinasuhan din ni Bueno sina Human relations office chief Presentacion Postrado, Eulogio Cecilio ng Investigation and Prosecution Office at iba pang miyembro ng "gang ni Casimiro.
Ayon kay Bueno, nagdudulot si Casimiro ng demoralisasyon sa hanay ng mga empleyado ng OMB-MELEO dahil sa kanilang mala-sindikatong estilo ng pamumuno kung saan ang mga mabubuti ay napaparusahan at ang masama ay nagagamtimpalaan.
Aniya, noong Setyembre ng nakaraang taon ay inutusan siya ni Casimiro na madaliin ang pagresolba sa kaso ng Fructoso Villarin, et al vs SPO4 Francisco Torres, et al. dahil umatras na daw dito ang mga complainants.
Natuklasan ni Bueno na peke ang mga pirma sa affidavit of dessistance ng mga complainants pero ng sabihin niya ito kay Casimiro ay binalewala ito at inutusan siyang tapusin na ang kaso. Wika pa nito, nalaman niyang nais palang i-encash ni Casimiro ang tseke ng mga respondents.
Bukod dito, sabi pa ni Bueno, ibinebenta din ni Casimiro sa highest bidder ang kanilang mga kasong hinahawakan sa Ombudsman.
Kakasuhan din ni Bueno ng unexplained wealth si Casimiro dahil sa biglang paglobo ng mga ari-arian nito nang maging Deputy Ombudsman at nepotismo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest