^

Bansa

Pagpaparusa sa mandarayang dealer ng LPG, pinagtibay

-
Tuluyan ng pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang kautusan ng una ng ipinalabas na Department of Energy (DOE) na nagtatakda ng kaparusahan sa mga nandarayang dealer ng liquified petroleum gas o LPG.

Sa ipinalabas na desisyon ng SC, kinatigan nito ang Circular No. 2000-06-010, na ipinalabas ni dating Energy Secretary Vincent Perez noong June 9, 2000, kung saan ang mga LPG dealer ay maaaring pagmultahin o tuluyang ipasara kung lalabag sa naturang kautusan.

Kabilang na dito ang mga outlet na walang price display board, walang weighing scale, mga tangkeng walang tamang weigh markings, walang awtorisadong LPG seal, kulang sa timbang, walang serial number at tampered LPG cylinder.

Una ng ibinasura ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 161 Judge Alicia Mariño-Co, ang nabanggit na kautusan kung saan pinaburan nito ang inihaing petisyon ang LPG Refillers Association of the Philippines.

Subalit, pinapawalang-bisa ng SC ang nasabing desisyon ng mababang hukuman.

Nilinaw pa rin ng SC na naaayon sa Batas Pambansa (BP) bilang 33 at Republic Act (RA) 8479 ang nasabing circular ng DOE.

Ipinaliwanag naman ng SC na layon lamang ng nasabing kautusan ng DOE na maprotektahan ang publiko laban sa mga mapagsamantalang dealer ng LPG. (Grace Amargo dela Cruz)

vuukle comment

BATAS PAMBANSA

CIRCULAR NO

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SECRETARY VINCENT PEREZ

GRACE AMARGO

JUDGE ALICIA MARI

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

REFILLERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC ACT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with