Erap posibleng maabswelto
June 30, 2006 | 12:00am
Malaki ang paniniwala ng kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada na makakalusot ito sa kasong plunder matapos mabigo ang prosekusyon na kuwestiyunin ang dating pangulo sa kanyang testimonya hinggil sa apat na kasong kinakaharap nito.
Ayon kina dating Congressman Didagen Dilangalen at Atty. Rufus Rodriguez, pawang mga spokesman ni Estrada, ang hindi pagkuwestiyon o cross examine ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio sa kasong jueteng, tobacco excise tax, BW resources shares at Jose Velarde account ay nangangahulugan lamang na tinatanggap nito ang naging testimonya ng dating lider.
Ani Rodriguez, isang pagkakamali ng prosecution panel ang hindi pagkuwestiyon kay Estrada sa kasong plunder nito at para sa kanilang kampo ito ay isa ng "acquittal."
Paliwanag pa ni Rodriguez, ang ginawang pagdidiin ni Villaignacio kay Estrada sa IMPSA deal na hindi naman kabilang sa four counts ng plunder ay nangangahulugan lamang na hindi nila kayang pabulaanan ang mga naging pahayag ni Erap sa ibinigay nitong direct testimony.
Ayon pa sa abogado, ang ipinipilit ng prosekusyon na pagbibigay ni Estrada ng "sovereign guarantee" sa IMPSA ay wala ng basehan dahil ito ay nasa ika-apat na araw na ng "ascension power" ni Pangulong Arroyo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest